Bus Beggars
Actually, they’re not beggars per se. May rason naman sila sa para malimos but it’s kinda lame and obviously fake. Ewan ko lang kung nakakita na kayo ng mga ito sa inyong pagsasakay sa bus.
Usually sa may sakayan sila nag aabang para mas maraming tao. Once nakaboard na yung last person, tsaka sila papasok sa bus. May dala silang parang offering box tapos may ID pa ng isang fake bus company naka-pin sa damit nila. Pag naka-upo na ang lahat, isasaad na nila ang kanilang complain.
Here’s the rough spiel of their plight…
“Magandang umaga sa inyong lahat. Pasensya na kung ako ay nakakaabala sa inyong paglakbay. Kami po ay mga empleyado ng <name of a fictitious bus company>. Nais po naming makahingi ng tulong sa inyo.”
“Hindi maayos ang pagtatrato sa amin sa aming pinapasukan. Ilang buwan na kaming walang sweldo. Wala kaming wastong benepisyo, 13th month, sick leave, vacation leave, birthday leave, performance bonus, etc. (actually I just made the last 2 benefits up). Kapag kami ay nahuli, pinababayaan lang kami sa kulungan habang ang bus naman ay tinutubos.”
“Salamat po sa ano mang tulong na maibibigay ninyo.”
Then he will start going from one passenger to another asking for donation.
Hayyy… naiinis talaga ako. Ok lang yung mga nagbebenta ng macapuno/ube candies at least may kapalit yung pera mo. Ok lang rin yung mga estudyante na nanghihingi ng pangtuition kasi gusto mo rin naman silang paaralin (although I have a strong inkling na pinalilimos lang sila ng sindikato).
Anyway, maraming beses ko nang naencounter ang ganitong klaseng namamalimos na sa tuwing naririnig ko sila ay marami na akong naiisip na gustong sabihin sa kanila pero syempre ayaw ko ng gulo. Baka masapak pa ulit ako. Hehehe.
Eto yung mga top answers ko pag medyo lumaki na katawan ko at mukha na akong brusko at kaya ko na silang sagutin:
- Alam nyo po ba na 2 years ago ko pa kayong naririnig na ganyan? Tapos hanggang ngayon nandyan pa rin kayo at nagpapaabuso? Ba’t ayaw niyong umalis sa kumpanya na yan? Ba’t ayaw niyong lumipat? Try niyo kayang mag call center, sanay naman kayong magsalita at may training naman sila.
- Ba’t ayaw mong magsumbong sa kinauukulan? Mamili ka kung sinong gusto mo… Nandyan si Julius Babao ng XXX pati si Mike Enriquez ng Imbestigador. Patiktikan mo yung amo mo.
- Di mo ba naiisip na kaya kayo di tinutubos sa kulungan ay para matuto kayo? Nakakaperwisyo magmaneho ang mga drayber ng bus. Kung matino naman siguro kayong magmaneho hindi kayo mahuhuli.
- Nasabi mong wala kayong wastong benepisyo. Siguro naman ay bago kayo pumasok ay nag-agree na kayo sa makukuha niyong sahod at benefits. May kontratang pinirmahan. Ang keyword po… AGREE. Kayo lang po ang dapat sisihin kasi pwede naman kayong di mag-agree sa kasunduan at maghanap na lang ng iba.
Hayyy. Paano ka magkakaroon ng compassion pag ganyan ang dahilan nila. Sana sabihin nya na lang na nasunugan sila or dinemolish tinitirahan nila at nanghihingi lang sya ng konting tulong baka mapapaabot pa ako ng barya.
Oh well. Iniisip ko na lang na ok pa rin yan kesa mangholdap sila.
You might also be interested in:
- The Amazing Race Asia 2 – Episode 3
- Tap Water
- The Amazing Race Asia 2 – Episode 6
- The Amazing Race Asia 2 – Episode 4
Filed under: Grrrrr



may nanlimos sa kin dati naman mga bata sa megamall kasi naiwan daw sila ng tatay nila tapos di sila makauwi ng tarlac so binigyan ko sila ng pamasahe pauwi. the next weekend nakita ko sila sa glorietta with the same m.o. tapos nung nadaanan ko sila nilimosan ako uli. sabi ko “hihingan mo na naman ako? ha?” after nun hindi na ko nagbibigay ng kahit anong monetary sa mga ganyan. food na lang. saka nag sponsor na lang kami sa world vision para sigurado nakakatulong.
meron pa nga namamalimos na may bitbit na laminated letter galing sa kung sinong Hestas. At nilaminate ha, siguro sa pang matagalan gamit dun sa letter. surf siguro gamit nila…wais eh. Hindi ko alam kung ano laman ng letter kasi never din akong nag attempt na basahin. Andun pa yung tatabihan ka habang kumakain sa iang fastfood. eh ako pag ganun…di na ako nagsasalita…umiiling na lang ako o sumesenyas na “alaws” ako datung.
noee,
hehehe, dapat sinabi mo wag na silang sasama sa tatay nila pagluluwas ng maynila. lagi na lang sila iniiwan eh. hahahaha.
maru,
wow! the great maru of maruism napadalaw sa maliit kong blog. im honored!
salamat po sa pag-comment. syempre dapat nakalaminate kasi puhunan nila yun. ipapasa pa nila yun sa magiging apo nila.
hayyy ibang klase talaga mga pinoy. ma-diskarte nga pero pag masyadong maraming free time di na maganda ang kombinasyon. hehehe.