Charice Pempengco performs on Ellen

Good to be back. Medyo matagal na rin akong di nakapag-post sa sobrang busy sa opis.

Madalas pag-uwi sa bahay pagod na utak ko and gusto ko na lang magpahinga. Pampatulog naming mag-asawa ang show ni Ellen. Hindi dahil sa nakakaantok eto kundi gusto lang namin nakabukas ang tv pagmatutulog na and since 1am ang start neto, lagi namin itong naabutan.

Di ko kilala itong si Charice nung naabutan ko sya sa Ellen, di ko alam na pinay pala sya. Di ko rin naabutan performance nya. Nakita ko na lang na niyayakap sya ni Ellen at binigyan ng bagong iPod kasi raw nawala nya yung sa kanya habang papunta sa show.

Nalaman ko na lang na pinay sya nung namukaan ko sya habang nagsusurf sa internet. Naging contestant din pala sya sa Little Big Star sa GMA pero di nanalo. Eto nga pala link sa clip ng performance nya.

Ibang klase ang boses, di pambata. Wag niyo na pansinin ang interview sa kanya sa simul. hehehe. Medyo nervous siguro kaya ganun sagot nya. Matutuwa (in a feel good way) rin kayo sa mga comments sa site. Marami pa syang video sa youtube kung gusto niyo pa. Galing talaga ng pinoy!


You might also be interested in:


Leave a Reply

Theme: Digg 3 Column by WP Designer customized by Calvin | Privacy Policy