Saan “jejebs” pag nasa mga mall

Hello everyone, malamang ay naranasan niyo ang maabutan ng magnumber 2 sa loob ng isang mall. Tapos pagpasok niyo sa CR, maraming tao at mahaba pila. Tapos pag pasok niyo sa cubicle ay sira ang flash, mapanghi, may mga lumulutang na poopoo at walang tissue.

Nais kong ipabahagi ang aking konting nalalaman para sa maayos at maginhawang pagjebs kapag nasa mall. Ililista ko lang ang mga mall na kung san ako madalas at kung san mahirap maghanap ng matinong CR.

Kung ikaw ay nasa,

Glorietta/Landmark

Sa Glorietta 3 ay mayroong Pay CR. Magbabayad ka ng 10 pesos para makagamit ng CR na may malinis na inidoro at maraming tissue. Ito ay makikita malapit sa Tickles, kahilera ng Italianis at Nike Stadium.

Kung maabutan mo na maraming taong nakapila (oo, hindi lang ikaw ang kelangang jumebs), sa tabi nito ay entrance papasok sa Rustan. Meron doong free CR at meron ding pay CR. ‘Kaw nang bahalang pumili. Malapit ito sa concierge, pero malamang ay di mo rin alam kung san yun, tanong ko na lang sa mga empleyado dun. Ok dito kasi konti lang ang tao.

Robinson’s Galleria

Ang magandang CR dito ay wala sa mall kundi nasa loob ng hotel. Sa Galleria Suites. May daan galing mall papunta rito. Umakyat ka sa pinakatuktok at hanapin mo ang Max’s Restaurant sa dulo. Sundan mo ang daanan papuntang hotel. Dumiretso ka lang at kumaliwa, andun ang CR. Ok dito, kasi may tissue, malinis at hanggang sahig ang pinto. So wala yung mga sumisilip sa ilalim ng pinto. Hehehe.

SM Megamall

Dito mahirap maabutan ng number 2. Bukod sa maraming tao, madalas ay di malinis ang CR at maaasahan mong walang tissue.Kung kaya mong pigilin ang pupu mo, pwede kang pumunta sa St. Francis Square sa tapat ng National Bookstore. Sa 5th floor (pwede kang mag-escalator or elevator) ay CCF (Christ Commission Fellowship) at malinis and well-maintained ang mga CR nila at may tissue pa (nasa lababo nakalagay, pumuslit ka na lang).

Kung nahihiya kang mag-CR doon, subukan mo pang pigilan at sa likod ng St. Francis Square ay ang The Podium. Suggestion ko sa 3rd floor ka mag-cr para hindi maraming tao (malayo sa sinehan sa 4th floor, at sa 1st floor). Maganda, malinis at may tissue ang CR nila dito. Meron din dapat CR sa basement na mas konti malamang ang tao pero di ko lang sure kung san ito. Paki-confirm na lang sa mga napupunta sa Podium.

Ayan, sana ay may nakuha kayong magandang impormasyon. Kung sa tingin niyo ay makakatulong ito or may correction, pa-comment na lang.

Thanks!


You might also be interested in:

9 Responses to “Saan “jejebs” pag nasa mga mall”

  1. Abad says:

    Ayos ‘tong entry mo na ‘to. Ibang level ng pagkainformative. Bihisa ka pala sa pagjebs sa malls. Ako kahit saan pwede.

  2. dito sa UK you pay 20 pence. but in Harrods you have to pay £1.

  3. Calvin says:

    Abad, pre kelangang isautak mo ito pag dumalo ka sa mga mall dito hehehe.

  4. chuvaness says:

    ahahahaaha

    4 nga lang ang nasa blogroll mo..hahaha…wala akong am isyggest…iisip muna…balikan kita pag may ideya na ko..hahahha

  5. MARU says:

    hokey din naman ang cr ng rob galleria sa ground floor. malinis. kaso madaming tao nga lang lagi. korek ka, nasa galleria suites nga ang ayos na ayos na cr. ganda pa! pwedeng mag kwan sa loob kasi saradong sarado. :D

  6. Calvin says:

    maru haha alam mo rin pala yun. basta wag lang pahalata sa sekyu na pupunta ka lang dun para mag-cr :P sabihin mo magiinquire sa lobby.

  7. zoul1380 says:

    hehhee… nice post calvs halatang laging kang inaabutan hehehe… ito suggestion kaso lang it would surely cost you. sa sinehan mo gawin hintayin mo lang mag start yun movie… hehe…

  8. noee says:

    Very useful information. Kung nasa glorietta ka na, pwede ka din pumunta sa Shangri-La tapos maki-cr… wag ka lang pahalata. :)

  9. Calvin says:

    layo din ng shang sa glorietta. pero kung kayang tiisin pwede doon. :)

Leave a Reply

Theme: Digg 3 Column by WP Designer customized by Calvin | Privacy Policy | Hosted by Webhostingpad