Yakult


Baket iisa lang ang size ng Yakult?

Siguro naman ay pamilyar ka na sa Yakult. Ibang klase talaga itong produkto na ito, di naluluma kahit may lumabas nang ibang brand gaya ng Chamyto. Di rin nagbabago, from packaging to taste walang pinagbago.

Sumikat ata itong Yakult sa Kwarta o Kahon ni Pepe Pimentel. Ang kauna-unahang local gameshow na napanood ko. Tagal na no? Pero hanggang ngayon wala silang inintroduce na bago pagdating sa Yakult. Walang Yakult Lite, or Yakult Zero. Wala ring flavors na nagdagdag, original flavor lang. Pati ata yung mga naglalako ng Yakult sila sila pa rin eh.

Pero masarap ang Yakult. Pag-bumibili kami noon nakakatatlo akong Yakult straight tapos inaagawan ko pa mga kapatid ko sa lagay na yun. Kaya ko napatanong, ba’t ayaw nila gumawa ng Yakult Litro? O kaya kahit Yakult 500mL. Mas makakatipid kaya sa packaging pag nasa isang malaking garapon lang ang Yakult.

Hmm ba’t kaya? Di mo ba ito naiisip?


You might also be interested in:

7 Responses to “Yakult”

  1. oo nga noh??!! ako din, lagi akong bitin pag umiinom ako ng yakult..

    calvin: wahh… di mo rin alam sagot.

  2. Jock-o-later says:

    Dude, nga pala, kasi you know ganyan din iniisip ko the day before today. As in dude, parang your reading my taughts. Scary bro. Why nga kaya?

    calvin: hahaha. di ko alam, explain mo na lang kung bat ganyan ka magsalita. hahaha.

  3. noee says:

    2 ang sizes ng yakult sa grocery. small and slightly smaller. pero sa naglalako 1 lang.

    kapag linggo tapos nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng lunch tapos may biglang nag doorbell sigurado na kami na yun ang aming friendly neighborhood yakult dealer. pagbukas mo ng gate babatiin ka ng muka nyang nakangiti sabay “Ya-kooolt??”. Walang kasing sama ng timing.

    calvin: Di nga? 2 sizes??? whoaa… ba’t sila gagawa ng mas maliit pa eh yung ordinary size bitin na nga. sana talaga may yakult litro. hehehe.

  4. acey says:

    hey i love yakult!!!!!!!!!!!!! :)
    calvin: yeah dumarami na ang yakult lovers. salamat sa pagbisita. tanong ko lang kung sino nag-refer sayo kasi pwedeng kumita ang mga downline nya sa pagrerefer dito sa site ko. hehehe. just kiddin’.

  5. Judith says:

    HAHAHAHAHAH. Good one calvin! Haven’t had a yakult in years…maalala ko nung unang lumabas ang Yakult, bibili kami ng 2 plastic packs, ilalagay ko sa freezer. Pag semi frozen na saka ko iinumin…maalala nyo din ang Yakult ladies, yung nagbebenta door-to-door? Strangely I still see one lady, hinihila pa yung stroller pero wala nang Yakult label. E matagal nang nawala yung promo nilang door-to-door…

  6. annabelts says:

    Ask Ems, she brought Yakult from i dunno where… Flavored!!! Grape ata and may isa pa…She brought that as pasalubong dito sa office. They have bigger size din!

    Di pwede litro ang yakult.. major magjejebs ka!

  7. gusto ko po yakult thats my favorite……

    every night po before i sleep umiinom ako nyan

Leave a Reply

Theme: Digg 3 Column by WP Designer customized by Calvin