Sway


Baket ang tao tuwing naglalakad at walang hawak, nagswe-sway ang mga kamay?

Elementary pa lang ako natatanong ko na ito sa aking sarili. Oo nga, baket nga ba automatic na nagswe-sway ang kamay tuwing naglalakad at walang bitbit? Nung bata pa ako, minsan ay conscious kong hindi ginagalaw ang kamay ko pagnaglalakad.

Pero wala namang nangyayari. Hindi naman ako na-ooff balance kung maglakad. Di rin bumabagal or napapabilis lakad ko. Wala palang kinalaman ang aerodynamics sa behavior naten na ito.

Nagmumukha lang akong weirdo kasi bagsak ang kamay ko pagnaglalakad. Kung tinignan mo parang tinurukan ng maraming anesthesia ang mga braso ko kaya hindi gumagalaw.

Sa tingin niyo, ba’t kaya ganito ang pagka-program sa’ten? Ano nga pala ang sway sa tagalog?


You might also be interested in:

2 Responses to “Sway”

  1. oo nga noh.. bakit nga kaya? di ko rin alam ang sagot.. balik ulet ako dito, sakaling may makasagot ng tanong mo at tanong ko na din.. hehe!

  2. zoul1380 says:

    its the way your shoulder move when you walk… :)

Leave a Reply

Theme: Digg 3 Column by WP Designer customized by Calvin | Privacy Policy | Hosted by Webhostingpad