6 things I hate when riding a bus

Ako ay lumaki sa pagcocommute and medyo ilang taon na rin akong sumasakay ng mga bus. Mahal ang gas ngayon at parking kaya wala muna kaming balak bumili ng sasakyan. Minsan lang rin naman kasi kami pumupunta sa malalayong lugar ng misis ko. 15 minutes away lang naman ang opisina kaya commute lang kami para tipid.

Pero di mo rin namang maiiwasan ang mainis kung ikaw ay nagcocommute at lalo na pagsumasakay sa mga bus. Eto ang 6 na bagay na ayaw na ayaw ko pagsumasakay ng bus.

6. Sira o mahina ang aircon. Ang init na ng panahon naten ngayon at kung ako ay nakapasok sa bus na mahina or hangin lang ang sinisingaw ng aircon, di na ako tumutuloy at bumababa na lang. Tayuan na nga tapos sira pa ang aircon. No way! Ok lang ang ma-late.

5. Bus na pila ng pila. Di ba nakakainis ang mga ganito? Hindi naman sa nagmamadali ka talaga pero kung mahaba na nga ang pila ng bus, wag na sanang pumasok sa naka-rehas na pilahan ang bus na sinasakyan mo. Pinaka-matagal ko atang hintay sa isang lugar ay 45 minutes!! Biruin mo yun!! Ilang blog posts ang pwede kong gawin sa 45 minutes.

4. Di pantay ang agwat ng mga upuan. Matangkad akong tao at nakakainis para sa mga katulad ko kapag ang tuhod namin ay kumukuskos na sa upuan sa harap. Parang binaklas nila ang mga upuan at inadjust ito para lang makasingit pa ng isa or dalawang upuan. Ang sakit kaya sa tuhod nun.

3. Madumi, maraming ipis at lamok. Hindi ba nila nililinis at iniisprayan ang bus pagka-garahe? Imagine mo na lang, puno ang bus at tayuan pa. Umuulan, mahirap sumakay, ma-traffic tapos sakay pa ng sakay ang driver. Napwesto ka sa may bintana at katabi mo ay matabang natutulog kaya medyo ipit ka. Naamoy mo ang sinuka ng isang pasahero. Nagsisilabasan ang mga ipis sa mga singit ng mga upuan at uka sa pader. Kadiri ba?

2. Konduktor na nagoovercharge. Nakakainis ang mga ganito. Nanlalamang ng mga pasahero para maabot ang quota. O di kaya dahil tinatamad silang magcompute ng sukli? Sa sinasakyan ko papuntang Megamall ay 17 or 18 pesos ang pamasahe. Pero minsan, pagwalang barya ang konduktor o di marunong mag-math, 20 pesos ang isisingil. Pag-umangal ka sasabihin lang nila na mali ka at tama sila. Badtrip.

1. Holdap. Oo naranasan ko na ito. Dati ay na-holdap ang bus na sinasakyan ko. Galing akong Ortigas papuntang LRT Taft sa Buendia. Sa dami ng pasahero at ang tagal ng holdapan, lumagpas na kami sa LRT, at umabot kami sa Cubao kung san bumaba ang mga holdaper, nag-U turn ang bus sa GMA Kamuning bago kami binaba sa may presinto. Hayyy ang layo. Buti na lang sa awa ng Diyos ay walang nakuha sa akin. Parang suot ko ang Marauder’s Cloak ni Harry Potter nun. Pero nagpapasalamat pa rin ako na nangyari yun. At least alert na ako at medyo alam ko na ang mga senyas sa mga ganyan.

Yan ang aking listahan. May maidadagdag ka ba?

Kaya ngayon ay natutuwa ako at marami ng mga bagong bus. Unti unti nilang tinatanggal ang mga bulok at pinapalitan ng mga malalaki at maaayos na bus. Maganda sa bus na ito ay malaki, pantay at maayos ang upuan, laging malamig, malaki ang bintana (iwas holdap) at hindi matagal mag-abang ng pasahero ang driver. Parang policy ata nila yun.


Mannrose Bus ang favorite namin ni misis sakyan

So kung kayo ay sasakay ng bus, wag niyong ipara ang mga bulok na bus kung di kayo nagmamadali. Maghintay sa mga bagong bus para maginahawa ang paglakbay.


You might also be interested in:


5 Responses to “6 things I hate when riding a bus”

  1. xelynah says:

    ako.. gusto ko ung jayross. sumasakay din ako ng mann rose from ayala to v. luna pag dadalaw ako sa dad ko sa hosp. ur ryt, di cla pumipila at panalo ang aircon!

  2. Calvin says:

    oo ok din yung jayross na yan. pag di kami dadaan ng ayala yan ang bus na hinahanap namin. malamig at spacious.

  3. Sniper says:

    I really hate that too when riding buses. Really pisses off.

  4. maarte talaga ako pagdating sa mga bus.. ang mga sinasakyan ko lang ay jayross, mannrose at yung isa pa na kulay red na maganda at maluwag..

    kadiri naman yung mga ipis sa bus! ewww!

  5. Calvin says:

    ok yan pagiging maarte. para malugi ang mga bulok na bus at mapilitan silang magpalit.

Leave a Reply

Theme: Digg 3 Column by WP Designer customized by Calvin | Privacy Policy